Victor Wood Ngayon

Victor Wood Victor Wood Ngayon Lyrics
1.Habang May Buhay

Nais kong mabuhay sa haba ng panahon
Kung ito'y lilipas na ika'y kapiling ko
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay.
Tangi kong panalangin ay pagsamo mo
Kailanma'y di magmamaliw ang apoy sa puso ko

Chorus

Habang may buhay, habang may buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy
Sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay.

At kung tayo'y magwawalay ako'y mabibigo
Di na nanaisin pang ituloy ang buhay ko

Repeat Chorus

Ibig kong malaman mo
Hanggang sa dulo ng mundo
Ang pangarap ko'y sa 'yo.

Habang may buhay, habang may buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy
Sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay. (2X)


2.Muntik Nang Maabot Ang Langit

Muntik nang maabot ang langit
At makupkop ka sa 'king mga kamay
Karapat-dapat nga bang mapasa akin
Ang pag-ibig na 'yong taglay
Ilang ulit na rin na ako'y nagsumamo
Upang ang 'yong puso ay aking makamit
Muntik nang maabot ang langit ohhhh
Walang papantay sa 'king katapatan
Higit pa talaga sa kanilang kayamanan
Saan nga ba ako nagkamali
At ako ay iyong pinahirapan
Ilang ulit na rin na ako'y nagsumamo
Upang ang 'yong puso ay aking makamit
Muntik nang maabot ang langit
Muntik nang maabot ang langit

Ang langit sa 'yong puso muntik nang mailapit
Nguni't 'kaw na ngayo'y alaalang kay pait
Muntik nang maabot ang langit
Oohh ang langit


3.Kaya Pala

Kaya pala nangyari 'yon.
Kaya pala nagkagano'n
Nalungkot at naiyak
Nagtampo pa noon
Kaya pala may natapos.
May magsisimula.
Ngumiti nang muli. Di an ako luluha.

Chorus:
Kaya pala, kaya pala. Sa buhay ko'y darating ka.
Dito sa puso ko ikaw pala.
Kaya pala, kaya pala.
'Di baleng minsan ako'y nasaktan.
Ikaw naman ang matatagpuan
ngayon alam ko na
Kaya pala.

Kaya pala may nawala.
Sa puso ko'y may darating
Pusong minsa'y nag-isa.
Liligaya na rin.
Kahit gano'n ang nangyari
Puso ko ma'y nasaktan. Kaya pala gano'n
May magandang dahilan.

Bridge:
May bago ng pag-asa sa buhay ko.
Nagbago ang lahat ng dahil sa 'yo.


4.Pangako

Bakit ba may lungkot sa 'yong mga mata
Ako kaya'y di nais makapiling sinta
Di mapapansin ako sayo'y may pagtingin
Sana ang tinig ko'y iyong dinggin

Ako ngayo'y di mapalagay
Pagkat ang puso ko'y nalulumbay
Sana ay pakaingatan mo ito
At tandaan mo ang isang pangako

Pangako hindi kita iiwan
Pangakong di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Ang magkasama

Ano itong nadarama ko
Ako kaya'y nahuhulog, umiibig na sayo
Sa tuwing kasama ka'y anong ligaya
Sana sa akin ay magtiwala

Kung tunay man ang nadarama mo
Mayron akong nais malaman mo
Ang aking puso ay iyong-iyo
Wag sanang lumimot sa pangako

Pangako hindi kita iiwan
Pangakong di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa

Pangako hindi kita iiwan
Pangakong di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Ang magkasama
Pangako


5.Ikaw

Ikaw ang bigay ng Maykapal
Tugon sa aking dasal
Upang sa lahat ng panahon
Bawat pagkakataon
Ang ibigin ko'y ikaw

Ikaw ang tanglaw sa 'king mundo
Kabiyak nitong puso ko
Wala ni kahati mang saglit
Na sa iyo'y may papalit
Ngayo't kailanma'y ikaw

Ang lahat ng aking galaw
Ang sanhi ay ikaw
Kung may bukas mang tinatanaw
Dahil may isang ikaw

Kulang ang magpakailan pa man
Upang bawat sandali ay...
Upang muli't muli ay...
Ang mahalin ay ikaw


6.Pagdating Ng Panahon

Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin
Mapapansin mo rin
Alam kong di mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin Hahanapin din
Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y
Maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon
Kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon
Alam kong hindi mo alam
Narito lang ako
Maghihintay kahit kailang
Nangangarap kahit di man ngayon
Mamahalin mo rin
Mamahalin mo rin
Di pa siguro bukas
Di pa rin ngayon
Malay mo balang araw
Dumating din iyon


7.Paglisan

Kung ang buhay ay isang
Umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang
Sinusuyo ng bituin

Di mo man silip ang langit
Di mo man silip
Ito'y nandirito pa rin

Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating
Din sa paroroonan
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig

Sa pagbuhos ng ulan
Sa haplos ng hangin
Alaala mo ay nakaukit
Sa pisngi ng langit

Di man umihip ang hangin
Di man umihip
Ika'y nandirito pa rin

Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating
Din sa paroroonan
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig


8.Pangako Sa'Yo

Ngayon ko lang nabatid
Na hindi biro ang umibig
Nakapagtataka, nadarama'y tunay na ligaya
Habang sa'yo
Buong puso't buhay ko ngayo'y pinaubaya

Pangako sa'yo
Ipaglalaban ko
Sa hirap at ginahawa ang ating pag-ibig
Upang di magkalayo kailanman
Pagka't ang tulad mo
Ay minsan lang sa buhay ko

Noon akala ko
Ang wagas na pag-ibig
Ay sa nobela lang matatapuan
At para bang kay hirap na paniwalaan

Ikaw, ikaw pala
Ang hinihintay kong pangarap
Ngayong kapiling ka
At tayo'y iisa
Hindi ko hahayaan
Na sa atin ay may hahadlang

Pangako sa'yo
Ipaglalaban ko
Sa hirap at ginahawa ang ating pag-ibig
Upang di magkalayo kailanman
Pagka't ang tulad mo
Ay minsan lang sa buhay ko

Pangako sa'yo
Ipaglalaban ko
Sa hirap at ginahawa ang ating pag-ibig
Upang di magkalayo kailanman
Pagka't ang tulad mo
Ay minsan lang sa buhay ko
Pangako sa'yo......................................

Upang di magkalayo kailanman
Pagka't ang tulad mo
Ay minsan lang sa buhay ko
Pangako sa'yo, pangako sa'yo...
Ay minsan lang buhay
ko...............................................


9.Nanghihinayang

Inaamin ko nagkamali ako
Inaamin ko nasaktan ko ang puso mo
Iniwan ka nang walang dahilan
Sumama sa iba, hindi man lang ako nagpaalam

Nabalitaan ko lagi ka raw tulala
Dinibdib mo aking pagkawala
Lagi ka raw umiiyak
Lagi mo raw akong hinahanap
'Di ka pa rin nagbabago
Mahal pa rin ako, oh...

Nanghihinayang
Nanghihinayang ang puso ko
Sa piling ko'y lumuha ka lang
Nasaktan lamang kita
Hindi na sana
Hindi na sana iniwan pa
Iniwan kang nag-iisa at nagdurusa
Ako sana'y patawarin na

Nabalitaan ko lagi ka raw tulala
Dinibdib mo aking pagkawala
Lagi ka raw umiiyak
Lagi mo raw akong hinahanap
'Di ka pa rin nagbabago
Mahal pa rin ako, oh...

Nanghihinayang
Nanghihinayang ang puso ko
Sa piling ko'y lumuha ka lang
Nasaktan lamang kita
Hindi na sana
Hindi na sana iniwan pa
Iniwan kang nag-iisa at nagdurusa
Ako sana'y patawarin na

Nanghihinayang
Nanghihinayang ang puso ko
Sa piling ko'y lumuha ka lang
Nasaktan lamang kita
Hindi na sana
Hindi na sana iniwan pa
Iniwan kang nag-iisa at nagdurusa
Ako sana'y patawarin na


10.Kahit Na

Pag-ibig ko sayo'y ipinaglaban ko na
Ginawa ko ng lahat para sayo sinta
Ngunit bakit ba ganyan hindi mo ba napupuna
Na ang pag ibig ko sayo'y lumalala na
Ilang beses mo na rin akong pinapaiyak
Na di mo rin namamalayan na napapahiya
Sa tuwing kasama mo'y iba ako'y nasasaktan
Tila bang nawawala na ang pagmamahalan
Wala ng kiss pati gudnyt kapag hinahatid ka
Tapos sasabihin mo ako'y iyong mahal pa
Baby girl alam mo ba ako'y nahihirapan na
Pero di pa rin susuko dahil sa mahal kita
At kahit na ako'y masaktan para lang ako sayo at di kita iiwan
Dinadalangin ko sana tayo ay magtagal
Patutunayan ko sayo kung gaano kita kamahal

Chorus:
(Baby koh) tanging ikaw lang ang iibigin ko
Di kita pababayaan di luluha giliw ko
Sana ako ay balikan sana ako'y pakingan mo o giliw ko
At kahit na balang araw ako'y iwan mo
Di pa rin magbabago ang puso ko
Ako'y para sayo o giliw ko
Kahit may ibang mahal kana sa piling/puso mo

Ang makasama ka parati ay masaya
Alam mo yan noon pa man sabik sa'yong ganda
Mga ngiti mo at tawa na walang kasing lupet
At pagtitinginan na walang kapalet
Sa bawat pagdaan ng mga araw ay napuna
Unti unting lumalamig ang puso mo sinta

Gagawin ko ang lahat bhe para lang sayo
Susundan kita kahit ika'y lumayo
At pahirapan man ako ng walang katapusan
At kung ako'y ipagpalit handa akong masaktan
Pumatak man ang luha sa aking mga mata
Pupunasan ko ito ng di mo mahalata
Na ako'y nasasaktan kapag lumalayo ka
At iniiwan mo akong nag iisa sinta
Malaking katanungan nya sa akin ito
At kung ako'y iyong mahal sana di na lumayo

(Repeat chorus)

Bakit ba kailangan na ako ay saktan
Di mo ba sinasadya bakit dinadalasan
Ang pananakit mo sakin na tagos hangang buto
Dahil sa mahal kita handa kong tiisin yon
Ganyan parati ang sagot sa tuwing binibigkas mo
Ang salitang I love you 2 parang nakakalito
Minsan inisip kong sumuko ng di masaktan
Ngunit anong magagawa ikaw ay aking mahal
Ang tangi kong magagawa'y pangalagaan kita
At ibigay ang buong buhay ko sayo sinta
Kada oras, kada minuto'y babantayan
Ayaw lang naman kasi kitang masaktan
Walang ibang hangad kundi ang mahalin ka
At ibigay buong buhay ko sayo sinta
Para lang ako sayo at di kita iiwan
Patutunayan ko sayo kung gaano kita kamahal

(Repeat chorus 2x) (more)


11.Kailangan Ko'y Ikaw

Kailangan ko'y ikaw
Dito sa piling ko
Kailangan kong madama
Ang pag-ibig mo

Sa bawat oras na
Di ka nakikita
Para bang kay bigat
Ng nadarama

O giliw nasan ka
Bakit lumisan ka
Paano nang
Puso kong nag-iisa

O giliw nasan ka
Bakit lumisan ka
Paano nang puso kong nag-iisa

Kailangan ko'y ikaw
Sa bawat sandali
Kailangan ko'ng yakap mo
At iyong halik

Kailangan ko'y ikaw
Dito sa buhay ko
Paano nang puso kong nag-iisa

Kailangan ko'y ikaw


12.Loving Arms

If you could see me now
The one who said that she'd rather roam
The one who said, she'd rather be alone
If you could only see me now

If I could hold you now
Just for a moment if I could really make you mine
Just for a while turn back the hands of time
If I could only hold you now

I've been too long in the wind and too long in the rain
Taking any comfort that I can
Looking back and longing for the freedom of my chains
And lying in your loving arms again

If you could hear me now
Singing somewhere through the lonely nights
Dreaming of the arms that held me tight
If you could only hear me now

I've been too long in the wind and too long in the rain
Taking any comfort that I can
Looking back and longing for the freedom of my chains
And lying in your loving arms again

I've been too long in the wind and too long in the rain
Taking any comfort that I can
Looking back and longing for the freedom of my chains
And lying in your loving arms again
And I can almost feel your loving arms again